this is the NBA Cup trophy

Ang Panibagong Emirates NBA Cup

Talaan ng nilalaman

Ang NBA Cup na tatawagin na ngayon bilang Emirates NBA Cup para sa layunin ng sponsorship. Ito ay taunang tournament ng National Basketball Association na nagaganap sa regular na season. Ang tournament ay opisyal na inanunsyo noong Hulyo 8, 2023 at unang ginawa noong 2023–24 NBA season. Ang unang edisyon ng event na ito ay tinawag na In-Season Tournament. Patuloy na magbasa sa artikulo na ito ng 747LIVE para sa higit pang detalye.

Ito ay isang multi-stage na tournament na nagsisimula sa group play na susundan ng single-elimination knockout rounds. Sa group play ay merong tatlong grupo na binubuo ng limang teams bawat conference at merong kabuuang anim na grupo. Ang mga teams ay maglalaro ng apat na group stage games na binibilang din para sa parehong NBA Cup group standings at regular season standings. Ang mga nanalo sa bawat grupo, kasama ang isang wild card team mula sa bawat conference ay aabante sa knockout rounds. Ang huling dalawang rounds ng knockout stage ay gagawin sa isang neutral na lugar. Ang mananalong team ay tatanggap ng trophy na tinatawag ding NBA Cup at bawat manlalaro ng nanalong team ay tatanggap ng premyo na $500,000 para sa edisyon noong 2023. Ang unang nanalo ng NBA Cup ay ang Los Angeles Lakers na kung saan si LeBron James ang naging tournament MVP.

Rules and Format

Ang bawat conference ay hinati sa tatlong grupo na may limang teams bawat isa kaya may kabuuang anim na grupo. Ang tatlong nangungunang teams ay random na nilagay sa tatlong grupo ng conference pagkatapos ang susunod na tatlo ay random ding nilagay at iba pa. Round Robin tournament sa bawat grupo na tuwing Martes at Biyernes ng Nobyembre at ang bawat teams ay maglalaro ng isang laban, laban sa iba pang mga teams sa kanilang grupo para sa kabuuang apat na laro. Ang mga larong ito ay binibilang din bilang bahagi ng regular season. Apat na teams mula sa bawat conference ang aabante sa single-elimination tournament. Ang tatlong nanalo sa bawat pool, kasama ang runner-up sa grupo na may pinakamagandang record bilang wild card.

Ang dalawang teams na may magandang record sa Group Play games sa bawat conference ang magho-host ng quarterfinal games at ang team na may pinakamagandang record sa Group Play games ang magho-host laban sa wild card team. Kung may dalawa o higit pang teams na tabla para sa mas mataas na seed sa isang conference ay gagamitin ang tiebreaker protocol. Ang semifinals at championship game ay gaganapin sa Las Vegas. Ang championship game ay hindi na bibilangin bilang bahagi ng regular season.

Mga Teams sa Bawat Grupo

Ang West Group A ay binubuo ng Minnesota Timberwolves, LA Clippers, Sacramento Kings, Houston Rockets at Portland Trail Blazers. Ang West Group B naman ay Oklahoma City Thunder, Phoenix Suns, Los Angeles Lakers, Utah Jazz at San Antonio Spurs. Sa West Group C ay ang Denver Nuggets, Dallas Mavericks, New Orleans Pelicans, Golden State Warriors at Memphis Grizzlies. Ang East Group A naman ay New York Knicks, Orlando Magic, Philadelphia 76ers, Brooklyn Nets at Charlotte Hornets. Ang nasa East Group B ay Milwaukee Bucks, Indiana Pacers, Miami Heat, Toronto Raptors at Detroit Pistons. East Group C ay Boston Celtics, Cleveland Cavaliers, Chicago Bulls, Atlanta Hawks at Washington Wizards.

Ang Kakaibang Ambiance ng NBA Cup

Para sa mga laro ng NBA Cup, ang home teams ay magsusuot ng Statement edition uniforms at ang road teams naman ay Association edition uniforms. Ang mga laro ng NBA Cup ay lalaruin sa mga basketball court na espesyal na dinisenyo para sa event. Ang mga court na ito ay may fully-painted na maple surface na may tatlong concentric circles. Ang NBA Cup ay naka-display sa gitna ng court at ang mga silhouette ng trophy ay nakapinta rin sa free-throw lanes. Ang disenyo ng mga court ay tumutugma sa kulay ng Statement uniform ng home team para sa partikular na season. Sa Inaugural In-Season Tournament noong 2023, ang mga home teams ay nagsuot ng City edition uniforms. Ang mga court ay may fully-painted na maple surface na may contrasting na kulay sa gitna na nakapinta mula sa dulo ng free-throw lane. Ang NBA Cup ay naka-display sa gitna ng court at ang mga silhouette ng trophy ay nakapinta din sa free-throw lanes. Ang disenyo ng mga court ay base sa City uniform ng home team para sa season na iyon.

Hindi lahat ng teams ay nakapaglaro sa kanilang bagong NBA Cup courts. Ang dalawang home games ng Dallas Mavericks para sa NBA Cup noong 2023 ay nilaro sa tradisyunal na basketball courts dahil sa mga problema sa paggawa ng kanilang NBA Cup court. Para sa semifinal at final rounds na nilaro sa T-Mobile Arena sa Las Vegas, ang court ay kulay asul na may pulang gitnang linya. Ang Los Angeles Lakers ay nagsuot ng kanilang itim na City uniforms sa lahat ng laro hanggang quarterfinals ay napilitan silang magsuot ng kanilang gintong Icon uniforms sa semifinal round dahil sa kakulangan ng contrast sa court. Ang desisyon na ito ay hindi pabor sa kagustuhan ng mga manlalaro ng Lakers. Ang Indiana Pacers ay nakaranas din ng parehong restriction.

Ang Pagbabago sa Schedule ng Laro

Para maayos ang pagkakaiba-iba sa bilang ng mga larong nilalaro ng bawat teams, ang regular season scheduling formula ng NBA ay babaguhin para ang bawat teams ay maglalaro ng 80 na laro na sinabi bago magsimula ang season at ang karagdagang dalawang laro ay sasabihin sa ibang araw. Para sa 22 teams na hindi makakapasok sa knockout rounds ng NBA Cup ay maglalaro sila ng dalawang karagdagang laro, isa sa kanilang home court at isa sa kalaban laban sa iba pang mga koponan na na-eliminate bago ang knockout rounds. Ang mga larong ito ay lalaruin sa mga araw na walang naka-schedule na NBA Cup games sa araw ng Knockout Rounds. Para sa apat na koponan na matatalo sa quarterfinals: Maglalaro sila ng isang karagdagang laro laban sa isang kalaban mula sa parehong conference, isang araw bago ang Championship Game ng torneo.

Malugod naman naming inirerekomenda ang iba pang online casino kung naghahanap ka ng iba pang mapaglalaruan katulad ng LuckyHorse, 7BET, Winfordbet at Rich9. Sila ay legit at lubos na mapagkakatiwalaan. Nag-aalok din sila ng iba’t-ibang laro sa casino na siguradong magugustuhan mo. Pumunta lamang sa kanilang website para makapagsign-up at magsimulang maglaro.

Mga Madalas Itanong

Wala. Ang NBA Cup ay isang standalone event at ang resulta nito ay hindi direktang nakakaapekto sa Playoff seedings.

Para magdala ng dagdag na excitement sa unang bahagi ng season at magbigay ng bagong kompetisyon sa mga fans at manlalaro.

Other Posts