Milwaukee Bucks ang 2024 NBA Cup Champions

The Bucks are celebrating their NBA Cup championship

Talaan ng nilalaman

Ang 2024 NBA Cup ay multi-stage na basketball tournament na gagawin sa loob ng NBA regular season. Ito ang ikalawang taon ng NBA Cup. Lahat ng 30 teams ay kasali at bawat isa ay maglalaro ng apat na regular season na laro na binibilang para sa group stage standings ng tournament, lahat ay bahagi ng knockout round, maliban sa championship game. Ang Los Angeles Lakers ang defending champions. Ang Emirates NBA Cup dating kilala bilang NBA In-Season Tournament ay taunang kompetisyon sa kalagitnaan ng NBA season na nagbibigay ng pagkakataon sa mga manlalaro at teams na maghangad ng isa pang kampeonato at magbigay ng bagong karanasan sa mga fans at magdala ng dagdag na interes sa loob ng regular-season schedule. Magpatuloy sa pagbabasa sa artikulo na ito ng 747LIVE.

Ang ikalawang NBA Cup ay nagsimula noong Nobyembre 12 at nagtapos sa Championship noong Disyembre 17. Ang lahat ng mga laro ay ginaganap sa mga market ng NBA teams, maliban sa Semifinals at Championship na parehong ginanap sa isang neutral na lugar sa T-Mobile Arena sa Las Vegas. Ang champion ay tatanggap ng trophy at isang prize pool ang ilalaan para sa mga manlalaro ng mga teams makakapasok sa Knockout Rounds na tataas ang halaga depende sa layo ng narating ng team sa kompetisyon. Pagkatapos ng Championship, isang media panel ang pipili sa Most Valuable Player ng Emirates NBA Cup at sa All-Tournament Team. Ang pagpili ay base sa performance ng mga manlalaro sa Group Play at Knockout Rounds.

Ang Format ng NBA Cup

Ang format ng tournament ay katulad ng in-season, multi-stage na mga tournament sa European soccer. Sa group stage ay hinati sa tatlong grupo ang mga conference na may tig-limang teams para sa kabuuang anim na grupo. Ang mga regular season games ay nilaro tuwing Martes at Biyernes mula Nobyembre 12 hanggang Disyembre 3 ay binibilang sa regular season standings at NBA Cup standings. Bawat teams ay maglalaro ng isang laro laban sa bawat isa sa kanilang grupo para sa kabuuang apat na laro, dalawa sa home court at dalawa sa road.

Kung ang dalawa o higit pang teams sa isang grupo ay nagtabla pagkatapos ng group play ay magkakaroon tiebreaker tulad ng Head-to-head record sa group stage, point differential sa group stage, kabuuang puntos na naitala sa group stage, regular season record mula sa 2023–24 regular season o random drawing. Ang overtime scoring ay hindi bibilangin sa point differential at total points tiebreakers sa Emirates NBA Cup.

Ang bawat grupong nanalo ay aabante sa knockout stage at ang isang wild card mula sa bawat conference, ang grupong runner-up na may pinakamagandang group stage record. Ang knockout stage ay isang single-elimination. Ang quarterfinal games ay lalaruin sa lokal na NBA markets noong Disyembre 10 at 11 na kung saan ang mga teams na may dalawang magandang group stage records sa bawat conference ang magho-host at ang pinakamahusay na team mula sa group play ay magho-host ng wild-card team. Ang semifinals ay ginanap noong Disyembre 14 at ang championship ay noong Disyembre 17. Ang huling dalawang rounds ay lalaruin sa T-Mobile Arena sa Las Vegas Strip.

Groupings ng 2024 NBA Cup

Ang West Group A ay kinabibilangan ng Minnesota Timberwolves, LA Clippers, Sacramento Kings, Houston Rockets at Portland Trail Blazers. West Group B naman ang Oklahoma City Thunder, Phoenix Suns, Los Angeles Lakers, Utah Jazz at San Antonio Spurs. Napunta naman sa West Group C ang Denver Nuggets, Dallas Mavericks, New Orleans Pelicans, Golden State Warriors at Memphis Grizzlies. East Group A naman ang New York Knicks, Orlando Magic, Philadelphia 76ers, Brooklyn Nets at Charlotte Hornets. East Group B ang Milwaukee Bucks, Indiana Pacers, Miami Heat, Toronto Raptors at Detroit Pistons at nasa East Group C ang Boston Celtics, Cleveland Cavaliers, Chicago Bulls, Atlanta Hawks at Washington Wizards.

Ang Pinagdaanan ng Milwaukee Bucks

Ang Milwaukee Bucks ang nagwagi sa NBA Cup. Si Giannis Antetokounmpo ang itinanghal bilang NBA Cup MVP at ginawaran matapos ang championship game noong Disyembre 17, 2024. Noong Disyembre 19, inihayag ng NBA ang All-Tournament Team. Pinagpatuloy ng Milwaukee Bucks ay nagpatuloy ang kanilang tradisyon ng pagiging dominante sa NBA. Ang Bucks ay naging dominante sa group stage. Ang kanilang 4-0 record sa group play ang naglagay sa kanila sa tuktok ng East Group B at ito ay nagmula sa sama-samang pagsisikap ng team sa kabila ng lineup changes. Binuksan ng Milwaukee ang tournament sa isang panalo na 99-85 laban sa Toronto Raptors. Nagdala sa kanila ng panalo ang kanilang depensa na nagpakitang-gilas sa mga huling minuto.

Si Giannis Antetokounmpo naman ay nagpasyang hindi papipigil sa Indiana Pacers, nagtala ng triple-double sa kanilang 129-117 na panalo na hindi gaanong dikit kung titingnan ang score. Sa pagkawala ni Antetokounmpo dahil sa pamamaga ng tuhod ay pinaalala ni Damian Lillard kung bakit siya kinuha ng Milwaukee. Nagpakitang-gilas si Lillard sa laban kontra Miami Heat at umiscore ng 37 puntos at 12 assists, bitbit ang Bucks sa isang kapana-panabik na panalo, 106-103. Tinapos naman ng Bucks ang group play ng talunin ang Detroit Pistons sa kanilang huling laro para sa group stage.

Sa pagpasok ng quarterfinals ay nakatapat ng Bucks ang Orlando Magic at nanalo sa score na 114-109. Atlanta Hawks naman ang nakalaban ng Bucks pagdating ng semifinals at nanalo sa score na 110-102 at sa championship game na ginanap sa Las Vegas ay nakalaban ng Bucks ang OKC Thunder at nanalo sa dominanteng paraan na may score na 97-81. Si Giannis Antetokounmpo ang naging MVP ng NBA Cup.

Malugod naman naming inirerekomenda ang iba pang online casino kung naghahanap ka ng iba pang mapaglalaruan katulad ng LuckyHorse, 7BET, Winfordbet at Rich9. Sila ay legit at lubos na mapagkakatiwalaan. Nag-aalok din sila ng iba’t-ibang laro sa casino na siguradong magugustuhan mo. Pumunta lamang sa kanilang website para makapagsign-up at magsimulang maglaro.

Mga Madalas Itanong

Ang team na magchachampion sa NBA Cup ay makakatanggap ng trophy at ang bawat manlalaro sa championship team ay tatanggap ng $500,000. Ang mga manlalaro sa runner-up team ay makakatanggap ng $200,000 bawat isa at ang mga natalo sa semifinals ay makakatanggap ng $100,000 bawat isa.

Noong 2023, Los Angeles Lakers ang nagchampion sa inaugural NBA Cup nang talunin nila ang Indiana Pacers sa championship game.

Other Posts